Entry: Gamer of the Month Friday, March 09, 2007



Clan chief namin sa Pristontale gamer of the month ngaun sa Netplay! haha! super adik naman kasi yon. level 27 sha nung nag-start ako maglaro at never ko sha nahabol kasi adik talaga un. alam ko nga sha ung nagpauso ng PT samen. madami naglalaro samin nun eh.. mga 12-15 kami sa lugar namin. puro high level pa! nasa PUR3ADIK kami non. hanggang sa nagtayo kami ng sariling clan shempre sha ang clan chief [GODSPEED tapos naging ATHANASIUS]. tapos lagi kaming magkakasama maglaro. sa Phase J. sa Phase O. sa lagro. sa Netopia. kahit saan. makapag-adik lang talaga. tapos nagkasawaan isa-isa kaming huminto pero sha adik pa rin. sha na lang talaga naiwan sa PT.

matagal na rin akong tumigil pero nilalagyan nia ng load ung priestess ko kasi ginagamit nia pang-resu sa PVP [bumubuhay ako ng patay! mwehehe!] ganun sha kaadik. dalawang PC ang gamit pambihira. meron na kasi sila sariling shop ngaun. nakakapagtaka lang level 101 pa rin sha hanggang ngaun. nung huling beses akong maglaro.. october 2006 level 101 na sha eh. hirap talaga magpalevel-up sa PT.

ay teka. di na nga pala sha clan chief namin. kasi MIDX na sha!!!! pero kahit na. para kasing.. si herosan ang Athanasius at ang Athanasius ay si herosan. pagka-level 90 ko daw sa MIDX na din ako. uhm.. parang ayoko ata. ATHANASIUS FOREVER!!! hekhek =p

   +1 aging success!!

MR. C
October 27, 2009   01:57 AM PDT
 
we

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments